| Hello peeps! Kamusta enrolment? Tapos na ba? It's been a long long time sine my last web entry noh? Sorry because I'm too busy lang talaga. By the way, musta na ba kayo? Kakainis naman kayo di man lang kayo nagpaparamdam sa akin! Mag comment kayo dito ha? I need your comment sa mga mababasa nyo. Alam niyo ba na isa na akong botante sa 2004 elections? Pero hindi ko iboboto si FPJ!!! Baka Roco or GMA...
OCTOBER 25, 2003
Nag-enrol nako sa CEU for 2nd semester. THANKS talaga sa C.A.P. dahil imbes na php28,222 yung tuition ko, php6290 lang yung binayad ko!!! Yahoooooooo!
OCTOBER 17, 2003
HAPPY BIRTHDAY TER! Sayang kung andito ka lang natikman mo sana yung mga favorites mong foods, Spaghetti, BBQ, Cake, Ice Cream, etc... O sige happy birthday uli Ter!
OCTOBER 16, 2003
Alam niyo ba yung AWIT AWARDS? Actually matagal na nga yun eh. Nakaka 16th year na sila! Mas maganda yung program ngayon kesa last year at mas marami ring mga artista dun! Sila: JAYA, RADAH, SEXBOMB DANCERS, NYOY VOLANTE, PAOLO SANTOS, AIZA SEGUERA, AYEN & FRANCO LAUREL, TITO, VIC, JOEY, KARYLLE, ANTONETTE, MARIELLE, GARY VALENCIANO, JOLINA, MALIK, ... basta marami!!!   Sayang nga kasi dapat sasama ko sila Charmaine at Angelo kaso naka turn off yata cellphones nila eh! Sayang talaga!!! 
OCTOBER 7, 2003
Isa na tong araw na to na hindi ko makakalimutan dahil Oct. 7, 2003, 10pm at sa computer shop ng tito ko, my cousin Lester L. Araujo a 21 years old, was shot to death by 3 unidentified persons including 1 gunman, Denmark Pasqual was 1 of his customers when that happened. Dinala siya sa UST hospital at pinilit I-Revive pero wala na talaga... My cousin Lester A.K.A. OMI, died... KUNG SINO KA MANG TARANTADO KA, MAMATAY KA NA! Mag bibirthday pa naman sana siya... Dapat maging handa tayong lahat sa anumang pwedeng mangyari sa atin asa araw araw... Biruin mo siya, naglalaro lang ng computer, binaril na lang basta basta. Kung time mo na talaga, wala ka nang magagawa... Ter, kung asan ka man, bantayan mo lang kami kasi yung gumawa niyan sayo pagala-gala lang dito sa amin.
SEPTEMBER 26, 2003
I was hospitalized due to dengue fever in Lourdes Hospital. Kinabukasan, I texted charmaine and nalaman ko na nasa hospital din siya. Actually, dapat 2 days lang ako makokonfine pero dahil sa bumaba ng husto yung heartbeat ko, inextend ako ng doctor sa hospital for another 2 days. Ang normal na heartbeat ay 70-100 beats per second pero yung heartbeat ko is 45-55 lang! diba sobrang baba nun? Kaya nilagyan ako ng oxygen (siguro kaya bumaba kasi hindi ko nakita si Joyce eh!) hehe. Sobrang malas ko lang dahil malapit na yung FINALS ko so marami akong mamimis na quizes at participation sa school. Kaya eto lang grades ko...
Social Arts - 2.75
Physical Science - 2.75
English - 2.00
Filipino - 2.25
History - 2.50
Mathematics - 3.00
NSTP-CWTS - 1.75
P.E. - 2.00
Philosophy - 2.00
Psychology - 1.75
Religion - 2.00
Baba ng grades ko noh? Kasi eh bwisit yung dengue ko 1 week akong hindi pinapasok kaya dami akong quizes na na miss... Sayang talaga... Pero salamat narin dahil I got a passing grade kahit marami akong na miss, e pano pa kaya kung hindi ako absent??? (Yabang noh?) hehe joke joke joke! Sige!
|